The Pink BayawaK

Site Navigation

Entries for August, 2004

August 2nd, 2004

SATURDAY, JULY 31, 2004 Time Line.

Posted by tarhata at 06:37 AM on August 2, 2004.

Parang ChiLL out Project last sat.

Aliw... magandang excuse para hindi makapag-rehearsal at maburo sa NAtionaL Lib ang ginawa ko last sat.

@ around 6am, gising na ko. excited! dadayo pa ko sa Laguna para mag-shoot ng short film... Mas excited ako sa Tambay kaysa Shoot! haha!!

@ around 8am, dumating na ko sa laguna, at naghintay kay Nii-san.
Ang weird, dalawang beses magkasunod pinatugtog ang "SOON" ng MOONPOOLS AND CATERPILLARS sa Radio.. Take Note, same station siya!

@ around 8 30am, dumating na si Nii, to JuLie we go! yeba!

@ around 9am, nagpark na ang aming tricyle sa bahay nila JuLie. Cute ni Ryoji, sumalubong samen kasama ng nanay niyang di pa ata na-aalimpungatan...

++Nang gulo lang kme sa kanila... binuwisit ang bagong gising na c chi, nang-agaw ng stick-o kay Ryoji at nanood ng

SLC PUNK Panalo to! Aliw... kso tinulugan lang ni nii at chi... abnoy ampuga!

@ around 4pm, inamag na kme sa paghihintay kay Steve at Iann. MGa TOO LATE THE HERO! anakngtokwa... i was dying to watch the new TYPECAST Vid... at nasakanila ang kopya! WAHHH!! di na nmin nahintay... kunting shoot pa, and off we go to CUBAO!

@ around 8pm, nakipagkita kme kay macy... ready na para mang-gulo sa house ni Sir Jun SABAYTON! yeah...

JUN, RAMON AND MIKA ASTRO VID.



@ around 9pm, yus! yus! Finally nakarating din at nakakain.

todo nood lang kme anik-anik... dating episode ng strangebrew at yung home video nila na starring si RAMON... Tapos! Nabiyagan din ako ng Pelikulang 1st time... Aliw... magaling nga, at pati ung uncut na eksena napanood namen!! yeah...

@ around 12am, i did the interview. With JUN AND EDSEL both from FURBALL and NERD WORLD CINEMA...

ayaw nilang pa-interview ng hindi lasing, kaya sapilitan na ang ginawa ko! hehe... napatikim pa 2loy aku ng beer ng wala sa oras.

HaLu... di naman tlga ku umiinom, di ko type ang lasa ng beer eh. Pero para sa interview! gora ko! ayus.

Yung interview 2ngkol sa "HOW ALTERNATIVE CINEMA FAIR W/ MAINSTREAM..." wala akong matinong questionare! Kse dapat talaga sa sunday pa ang sched ng interview ko with em'. Kso... wla... kaya tae-tae yung mga tanong ko... Pero they were kind enuf to entertain some stupid q's of mine... hehe!

@ around 2am, naki-gulo nman ako sa kwarto ni Kuya Edsel... Todo ang kolekshon ng DVD! kaya... di ko na pinalagpas... ayus!

Watched LUCIA Y EL SEXO (SEX AND LUCIA) hayyuuuuppp!!! Napaka-erotic! Wlang panama ang Y TU MAMA TAMBIEN SA SEX SCENES! ganda... kso di ko na kinaya, nakatulog na ko...

@ around 3am, lumipat na ko sa kwarto ni Sir. Jun at natulog... yeah...

*** BOW ***

6 am the following morning... nagtxt si INAY pinapa-uwi na ko.

8am off we go..

10 am... nasa home sweet house na ulit aku!

PANALO....

1 papampam!!

August 8th, 2004

++DAHIL SABI NI NANAY++

Posted by tarhata at 11:22 PM on August 8, 2004.

PaUNawa:



ANG Mga Litratrong SusuNod monG maKikita, ay maaAring maghatid sayo nG BigLaaNg panginGinig at PangingiLabot... Kaya PinaPayuhaNg magHanda! BawaL ito sa may Sakit sa Puso at Hika...
Kung May kasaMang Bata, PinaPayuaN din na Ilayo muNa siLa sa Screen o dika'y takpan sagLet ang mga Mata...

Maraming salamat po.


--Tarhata







Sa Batangas yan.
June 5, 2004
Kasama sila DUM, MACY, KAYREN, CHACHA at MIKO.
MakaTi ang Gown ko.
Ako namiLi ng TELa niyan.
Ako din nagdesign.
MAhaL ang Patahi.
Hindi ko kakilala ang eskorte ko.
Pero sa bahay nila kme kumain.
UmuuLan.
Maputik.
Kakabadtrip...
Pewo masaya!

hehehe...

ANO na susuka ka na ba?

6 papampam!!

August 16th, 2004

Simipol yung hangin eh.

Posted by tarhata at 02:47 AM on August 16, 2004.

Txt back please.
Tinta ni Tarhata

Umaga at hot pandesal,
habang tila niyebe ang buhos ng ulan.
Wala paring, 1 message received.
Nang-message sent naman kanina.
Nag-aksaya pa tuloy ako ng piso,
mahirap pa nmang kumita.
Naalala ko ang pagtango ng ulo mo.
Kumulog pa nga noon.
Tumalikod ka.
Bumagsak ang pinto,
nayanig ang tutuli ko.
Tapos bumaha...

Nasan ka na kaya?

Natanaw ko ang kotsilyo sa mesa.
May bahid ng dugo ng kamatis.
Pero wla nmang nakahaing itlog na pula.
Kumidlat at napadungaw ako sa bintana.
Nagkorteng kotsilyo ang k i d l a t,
kahawig ng kaharap ko sa lamesa.

Wala paring 1 message received.

Nasan ka na kaya?
naalala ko nang dumampi ang labi mo sa noo ko.
Nilagay mo pa nga ang kamay ko sa dibdib mo.
Umiling ka.

Di ko na-gets.

Sabi ni Inay,
kahit magkalayo daw ang taong nagmamahalan,
nananatili nman daw sila sa puso ng isa't isa.
Gaya ni Itay na nasa Iraq, pero nasa puso pa rin niya...

Wala paring 1 message received.

Makintab ang kotsilyo.
Nakakasilaw,
nakangiti ito sa akin.
Excited na kong makita ka.
Dinampot ko ito,
hindi ko na hinugasan ang mantsang dugo ng kamatis.
Pumikit ako.
Sabay tarak, sa dibdib ko!
Doon sa bandang kaliwa,
kung saan madalas dumadagungdong ang pangalan mo.

Wala paring 1 message received.
Excited na kong makita ka.

Nilakihan ko pa ang hiwa.
Yung magkakasaya ang kamao ko sa loob.
iisa na ang dugo namin ng kamatis.

Naghihingalo akong bumagsak sa sahig.
Sabay dukot sa loob ng aking dibdib.

Wla akong makapa.

Puno na ko ng dugo.
Nagkalat ako sa kusina,
at namanshahan pa ang puti kong pajama.
Lagot ako kay inay!

Wla kasi kaming labandera.

Gumapang ako sa labas.
Para malinisan ng ulan.

Bagyo na ata.
Nasa labas na ko.
Nakadapa't hawak ang puso ko.
May 1 message received na kaya?
Hindi pala totoo ang sinabi ni Inay...

wla akong nakapa.
Hindi kita nakita.
Nasan ka na kaya?

Puno na ko ng dugo.
Lagot ako kay nanay.

Sinong maglilinis ng kusina?

Umaasa akong mahinawan ng ulan...

Pero bakit pisngi ko lang ang nababasa?



++++++++MABUHEY ANG TULA++++++++++++++++++++++++

3 papampam!!

August 25th, 2004

.PATHETIC INSECURITIES.

Posted by tarhata at 06:58 AM on August 25, 2004.

9am plang khapon.
wla na kong pasok.

at dahil jan.
Mag-isa akong nag gala.

As always.
palage nmang ganun.
minsan nakakasawa ng kasama ang sarili ko.

first stop SM MAnila.
Balak ko sanang manood ulit ng sine mag-isa.
4:30 pa ang alis ni dadi eh, ayaw kong magbiyehe.
mahal kse pamasahe, pwede nang pangDVD sa Quiapo.

dami pang oras na sasayangin.

hindi nman valentines day khapon.
Pero puro lovers ang kasabayan ko sa Pila.
Bukod sa panget ang line-up ng pelikula, natakot ako.
Baka lahat sila makasama ko sa loob.
Ang panget diba.

So, umalis nlang ako.
Tumambay sa National, patago akong nagbasa ng Libro.

"Ang Tunay na Pag-ibig ay kabaong na walang laman."
--Cirilo Bautista.

Bkit ba un pa ang nabasa ko.

NagFieldtrip din ako sa lahat ng Video Shop.
Napapatigil nalang ako, bigla sa bawat FOR SALE na Love Story.
Bkit kaya?
Nakakita ako ng Kopya ng "ONLY YOU" tagal ko ng naghahanap nun.
150php.
DVD nalang sa Quiapo.
Mahal.
Di' ko binili. di dahil sa wla akong 150php.
Parang may iba pang dahilan.

Sa paglalakad, nakasalubong ko ang long lost classmate ko.
Dati dun sa CEU.

sb niya:

"Dweighn! Shit!! mustah! taba mo ah!"

sa isip ko, atleast pwede akong mag-diet.
Eh ikaw? Mahal pa-plastic surgery ng mukha.
Pero miss nman kita eh...

sayang di ko nasabi.

kunting kamustahan...
tas' byebye na.

Lakad.
Lakad.
Lakad.

pasado alas-dose na.
kumalam sikmura ko, kso naalala ko ang bati ni X klasmate.

"Dweighn! Shit! mustah! Taba mo ah!"

pass muna ko.

Makapunta nga sa Quiapo.
Ukay-Ukay Galore.

Matagal akong mamili ng damit.
Magandang paraan para pumatay ng oras.
ayus.
60php lang.
matatawaran pa.
3 por 100, nice deal.
ayus.

sukat.
sukat.
sukat.

ilan lang ang nagkasya.
naiisip ko ulit 2loy ung sinabi ni x klasmate.

"Dweigh! Shit! Musta! taba mo ah!"

naputol nga pala ang usapan nmen ni klasmate nun.
Dumating na kse ung jowa niya.
Tsk.
Naisip ko 2loy.
Wlang panama ang mukha kong may katawan ka.

Nakapili nman ako ng matinong damit.
3 por 100.
hindi parin ako kumakain.

alas-dos y medya na, nung matapos ako.

daming pampa-relga sa QUIAPO.
tsk.
May nadaan akong isang aleng nagbibenta.
Sb sken.

"NEh, PampaREGLa! Mura lang. Sigurado to"

Gusto ko sanang sapukin!
Ganun na ba kalaki ang tiyan ko?
Muka ba kong 3 months pregnant?!

Pakyu!

Sb ko sa ALe.
"Hindi ko po kailangan. Baka Kayo pa."
sabay sibat.
asiwa eh.

Hinila din ako ng Bulate sa tiyan ko sa chowking.
Sige na nga. kawawa nman sila eh.

Kumain ako.

sa gitna pa ko naka-puwesto.
Bigla kong napansin.
Lahat ng kumakain, mag-jojowa.
binilang ko pa nga.
6 sila.
tapos yung 2, mukang matagal ng kasal.
May mga kasamang anak eh.

Bakit ba ganun?
Hindi nman Valentines day.

inubos ko ang oras ko sa chowking.
Nagbasa lang, at naghabi ng salita.

pasado alas-tres nung umalis ako.
Dumaan pa ko sa bentahan ng DVD.

habang namimili, may dalawang gwapito akong kasabay.
Kilig.
Mukang "Rockers." (anu?)
Gusto ko pa nga sanang tanungin kung anung klaseng RAKER sila.
WHAHAHA!

Narinig ko sb nung isa.

"Cute sana tsong, chubby lang"

pakyu.

Pang-aso ang cute.
chubby ka jan.
pakyu.

si X klasmate nagmulto nanaman sken.

sumakay ako ng jip.
sa harapan may magsyotang kulang nalang maghalikan.
ako lang ang nakasakay sa likod.
at si Lolo...

bumaba si lolo skanila.
Sinalubong pa ni Lola.
wow.
dun ako kinilig.
Buti pa sila.

Minsan talagang nakakasawa ng kasama ang sarili ko.

Naisip ko 2loy...

BiLbiL = Pag-iisa.
ganun ba un?

pero masarap kumain eh.
Pakyu.
Magtsatsaga nlang ako ksama ang sarili ko.

Pathetic.

4 papampam!!

August 29th, 2004

TaGyaWat sa ILONG at PORNO sa QUIAPO

Posted by tarhata at 10:43 PM on August 29, 2004.

Tinubuan ako ng tagyawat.
Ang Laki niya, parang may sariLing Opinion.

Ganun ka Laki.

Pero Gusto ko siya pasalamatan.
Kse marunong siyang pumiLi ng Pwesto.

Sa Loob ng Ilong ko siya Tumambay.
Ang GALing diba? Asteg.
PALAKPAKAN!!!!

Yun nga Lang, pahirapan pagmangunguLangot ka.
Letche, ang sakit eh... laging nadadale ng dariLi.

Inisip ko 2loy kung "IN LOVE" Ba ko ngayon?
Kse db, sbi ni Vina MoraLEs ganun daw pag-INLOVE.

Let me REmind You :

Twing kita'y nakikita...
ako'y natutunaw, parang ice cream na BiLad
sa ilalim ng araw.
Anu nga ba ang sekreto mo.
At di ka, maalis sa isip ko.
Anong bang gayuma ang gamit mo.
At mashado akong patay sayo.

Di na makatuLog.
Di pa makakain.
Tagyawat sa ILONG...
Pati na sa pisngi...
sa kakaisip sayo,
tagyawat dumarami...


Pero Hindi naman ako InLove eh.
Isang malaking Edolohiya na nga lang ang salitang yan, para sken.
whehehe..
nagpapaka-morbid n2man ata ako.

LOVE=GLITCH=HAUX=achchcuhcuhu.

neways.

gusto ko Lang din sbhing.

PAKYU, dun sa binilhan ko ng DVD sa Quiapo last Fri.
Todo.

ALiw pa nman ako,
kse nakahanap ako ng kopya ng..

"THE PIANO TEACHER"

anakngTokwa.
PagsaLang ko nung Type.

"THE PIANO MASTER"

ang Title.
Sabay, pangRomansa ang scoring.

kinabahan na ko.
hindi kmukha ng nasa cover ang mga nasa preview.

Ang hahalay ng mukha.

Nung pinindot ko ng ang "PLAY"

susmariajusep.

KAKANGKANGAN TO THE MAX!!

PRONO ang Puta.

Buti nalang di ko ksama nanay ko nun.
Tangina talaga.

Naalala ko 2loy nung nadaan ako sa recto minsan.
May mga X-rated na FiLms silang ipinagbibenta.

TAs' nakalagay sa Starring...

STARRING:

HALINA PEREZ.
AYA MIDEL.
LEYANDRO BALDIMOR.
TINA PANER.
HARLIN BAUTISTA.

Anu? Tina PANER!? HARLIN BAUTISTA?
NAk ng Tokwa...

Pirated nga nman.

7 papampam!!

August 31st, 2004

Gaya-Gaya Puto MAya.

Posted by tarhata at 02:03 AM on August 31, 2004.

i dont know if its a good thing.

But...

she's beginning to speak,
write and
sound like me.

Ayaw ko ng may CLONE.
(pwera ke' macy na pinakamalapit ko'ng CLONE)

tsk.
lam kong binabasa niya to.

look girl, i appreciate it.
kso. Todo ka na eh!
have u heard of the term "INDIVIDUALITY"
o ang kolokyal na salitang... "ORIG"
try mo kumunsulta kay Webster ha.

nangangati na kse ang Lola mo sayo eh.

tingin ka sa likod.
Bka may balisong na nakasaksak sau.
Kung meron.
Abay ikaw nga ang tinutukoy ko.

14 papampam!!

« 2004/07 | 2004/09 »

Site powered by Tabulas.